Indie Films: Ang Kinabukasan ng Pelikula

            Ayon kay J.M. Gonzales, ang indie film o independent film ay kahit anong pelikula na nagawa at hindi kasama sa mga mainstream film[1]. Ayon din kay Gonzales, ang mga indie films ay hindi naapektuhan ng kahit ano o buo ang kontrol ng mga gumagawa ng pelikulang ito1. At panghuli ayon muli kay Gonzales, ang mga indie films ay mababa o maliit lamang ang kanilang pondo o puhunan1.  Dahil hindi gaano kataas ang pondo o ang puhunan nga mga pelikulang ito, mas mabilis gumawa o makilahok sa ganitong klaseng pelikula kumpara sa mga mainstream movies. Kadalasan, ang tema sa mga indie films ay nag-iiba sa mga mainstream movies. Sa sobrang dami na nang mga tao na nakikilahok o nagkakaroon ng interest sa indie films, nagawa ang Cinemalaya. Ang Cinemalaya ay isang taun-taong paligsahan para sa mga indie films. Dahil sa Cinemalaya, mas naiilantad ang mga karaniwang tema sa indie film. Madalas homosekswal ang mga bida ng mga ganitong klaseng pelikula, at ang buong storya ay umiikot sa mga problema ng isang homosekswal. Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi lahat ng mga indie flims ay maganda ang pagkakalarawan sa mga homosekswal. Ang mga ilang halimbawa na binigay niya na maganda ang pagkakalarawan sa mga homosekswal ay “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ni Alvin Yapan at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ni Auraeus Solito. Subalit, mayroong din siyang binigyang halimbawa na hindi gaanong maganda na pagkakalarawan sa mga homosekswal tulad na ang “Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington” ni Jade Castro. Masasabing maganda o pangit ang pagkakalarawan sa mga homosekswal ng isang pelikula kung paano ipinakita ang mga pag-iisip, kilos, interaksyon sa ibang tauhan ng pelikula at iba pa. Ang pagiging Homosekswal ay hindi isang lalake na ang mga kilos at paraan ng pag-iisip ay pambabae na pwedeng mabago o mapalitan, kundi isang klaseng sekswal oryentasyon na kung kalian isang lalake ay nagkagusto sa isa pang kapwang lalake at hindi lang ito basta basta mababago.

Maganda ang pagkakalarang ni Alvin Yapan sa mga homosekswal sa pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.” Hindi estereotipo ang pagkakalarawan sa homosekswal na tauhan. Ipinakita na malakas ang tauhan dahil hindi siya basta basta lang nagpapadikta sa lipunan. Si Marlon ay isang mayaman na gustong i-impress ang kanyang guro dahil gusto niya ang guro, ngunit hindi siya gusto ng guro. Si Dennis naman ay isang homosekswal na tumutulong sa guro sa pagturo ng sayaw. Tinanong ni Marlon si Dennis na kung maaari ba siyang turuan sa pagsumayaw. Si Dennis nagkagusto kay Marlon, ngunit mahihinuha na hindi ganoon ang tingin ni Marlon kay Dennis. Nang binigay ni Marlon ang bayad niya kay Dennis, nainis si Dennis dahil inisip ni Dennis na may gusto rin si Marlon sa kanya, kaya hindi niya tinanggap ang bayad ni Marlon at sa galit niya, umalis siya ng bigla bigla. Ipinakita na malakas si Dennis dahil kahil hindi siya mahal ni Marlon, hindi niya ito ipinaapekto sa sarili niya. Sa pelikulang ito, hindi ginamit ang mga homosekswal bilang isang bagay o tao na basta basta lang ginagamit, pinagkikitaan o ine-exploit. Kahit na hindi maganda ang katapusan ng pelikula kay Dennis, ang imahen ng pelikula sa mga homosekswal ay mga malalakas ng tao na may sariling pag-iisip. Gamit sa pelikulang ito ni Alvin Yapan, isinisira si Alvin Yapan ang tipikal na estereotipo ng mga homosekswal sa mga mata ng mga tao sa lipunan. Dati, ang tipikal na estereotipo sa mga homosekswal ay mahina, sa hulihan ng pelikula kailangan maging totoong lalake, at mga kilos o aksyon ay pambabae na. Ang ipinakita ni Yapan sa pelikulang ito ay ang ibang klaseng homosekswal. Ipinakita ni Yapan na hindi lahat ng mga homosekswal ay gusto lang makipagtalik sa mga gusto nilang tao. Ipinakita ni Yapan sa palikula na maaaring ipahayag ang mga homosekswal ang kanilang pagmamahal sa isang tao na hindi gamit ang pagtatalik. Sa pelikula, naipahayag ni Dennis kay Marlon na mahal niya siya sa pamamaraan ng pagturo sa kanya ng pagsasayaw. Ipinakita rin ni Yapan na hindi lahat ng mga homosekswal ay marahas at gusto lang makipagtalik sa mga gusto nilang makipagtalik.

Sa pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivares” ni Jade Castro, maganda ang pagkakalarawan sa mga homosekswal gamit ang tauhan na si Maximo Olivares o Maxi. Sa pamilya ni Maxi na puros lalake sila, tanggap ng buong pamilya niya na isang homosekswal si Maxi. Marahil si Maxi ang naging kapalit ng ina nila dahil siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay lalo na mga gawaing bahay para sa mga kababaihan. Ang pamilya ni Maxi ay mga kawatan o magnanakaw sa lugar nila. Nang nakita ni Maxi si Victor, isang pulis sa lugar na iyon, nagkagusto kaagad siya sa kanya. Maraming ginawa si Maxi para kay Victor para mapakita niya na gusto niya siya. Ilang halimbawa ay ipinagluto ni Maxi si Victor, sinasamahan ni Maxi si Victor tuwing may break si Victor sa kanyang trabaho. Sa mga ginagawa ni Maxi kay Victor, ang reaksyon ni Victor ay pumapayag naman siya sa mga ginagawa ni Maxi. Isang halimbawa ay kinain ni Victor ang linuto ni Maxi para sa kanya. Sa unang bahagi ng pelikula, sa mata ni Maxi, inisip niya baka may gusto rin si Victor sa kanya, ngunit nang mas nakilala niya si Victor nalaman niya na hindi isang homosekswal si Victor. Marahil na masasabing masakit ito para kay Maxi, ngunit na tanggap niya ito ng mabuti. Ipinakita na malakas siyang tao na hindi lang siya basta bastang naaapektuhan sa kanyang mga emosyon. Nagkaroon ng gulo ang buong istorya nang nakapagpatay ang isang kapatid ni Maxi. Bilang isang pulis, kailangan hanapin ni Victor ang nakapatay at tinuturo ito sa isang kapatid ni Maxi. Naiwan si Maxi ng isang malaking desisyon kung sino ang pipiliin niya, si Victor o ang kanyang kapatid. Nagkaroon ng isang pagkatanto si Maxi na hindi masyadong importante ang kanyang pagmamahal kay Victor kumpara sa mas importante para sa kanya na ang kanyang sariling pamilya. Masasabing tama ang piniling desisyon ni Maxi. Nang paalis na ang dalawang kapatid ni Maxi para makapagganti sa mga pulisya dahil sa pagkamatay ng kanilang ama, sinabi ni Maxi na “iiwanan niyo ako?” at dahil sa ritong tanong, napaisip ang kanyang dalawang kapatid at hindi na nila tinuloy ang kanilang pagkakahiganti. Pinili ng mga kapatid ni Maxi si Maxi dahil mahal ng mga kapatid ni Maxi si Maxi kahit na si Maxi ay isang homosekswal.

Sa pangkalahatan, ang mga indie films ay mga pelikulang hindi nagmula sa mga kumpanya na gumagawa ng mga pelikula, hindi naapektuhan ng kahit ano ang pelikula kundi ang mga gumagawa nito, at mababa o kaunti lamang ang pondo o puhunan sa paggawa ng buong pelikula. Maraming tao ang nakikilahok sa itong industriya dahil hindi gaanong maraming pera ang kailangan. Karamihan ng mga tema ng mga indie films ay hindi ipinapakita sa mga mainstream movies dahil hindi raw ito kumikita ayon kay Dr. Nicanor Tiongson. At dahil doon, marahil kaya karamihan ng mga indie films ay tungkol sa mga homosekswal o may kinalaman sa mga homosekswal. Madalas ang tema ay tungkol sa homosekswal at ang lipunan, at kung paano itong dalawa makipag-interact sa isa’t isa. Mayroong magandang pagkakalarawan sa mga homosekswal, ngunit mayroong din hindi maganda o mali ang pagkakalarawan sa mga homosekswal. Sa pelikulang “Ang Sayaw ng dalawang Paa” ni Alvin Yapan at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivares” ni Auraeus Solito, maganda ang paglalarawan nila sa mga homosekswal. Iniiba nila ang mga estereotipo sa mga karaniwang iniisip ng mga tao sa lipunan tungkol sa mga homosekswal. Gamit ang dalawang pelikulang iyon, ipinakita nila na malakas ang kanilang (mga homosekswal) mga loob dahil hindi sila basta basta lang naapektuhan ng mga bagay na nangyayare sa kanila. Ipinapakita rin na hindi sila marahas at puros pakikipagtalik ang iniisip. Nalalabas nila ang kanilang mga emosyon gamit ang iba pang pamamaraan tulad ng pagsayaw. Sana may marami pang ganitong klaseng pelikula, mga pelikula na hindi lamang limitado tungkol sa mga homosekswal, kundi tungkol sa mga bagay ng sariling lipunan. Isang pamamaraan na maging mulat ang tao sa kanyang lipunan at kapaligiran ay kung napanuod niya ito.


[1] J. M. Gonzales. Indie 101. One Philippines. N.p., 2006. Web. January 29, 2013.

150968_4914863262072_1441157707_n

Leave a comment